Monday, January 10, 2011

SINTURIS

Dalandan o dalanghita for Manilenios and some part of Tagalog provinces, King orange or Mandarin orange in English, Naranjita in Spain (parang pinabading lang ah!), Ch'en P'i in some Chinese & SINTURIS (sa Taal, Lemery, Agoncillo, San Nicholas, Sta. Teresita, Alitagtag, San Luis, Muzon, Balayan, Calaca, Lian, Calatagan) or SINTONIS (sa parteng Malvar, Sto Tomas, Tanuan, Lipa, Balete, Padre Garcia) for BATANGUENO's.


The Sinturis or Dalandan are widely cultivated in the Philippines because of its adaptivity to local conditions. It has a bright, deep green skin and possesses a natural shine when freshly harvest.

This fruit which is originally came from China is rich best source of Vitamin C. And did you know that an infusion of the fresh juice is used as a cleanser or stimulant of wound surfaces. In Malayan peoples a lotion of the boiled leaves is used hot on painful places and swelling. Seed preparation tastes bitter with pain relieving effect.

Minsan ginagamit ang mga balat nito bilang pang self-defense or kapag nabubuwisit ka sa kaklase mong abno. Paano gamitin? Itapat sa mata at sabay pisilin mong maigi ang mga balat upang lumabas ang mga enzymes na siyang magiging pananggalang mo sa bibiktima sa 'yo at sa kinabubuwisitan mo.

Sunday, January 9, 2011

10 UTOS NG BATANGUENO

Habang ako'y nakikipaghuntahan sa akig mga kaibigan sa Peysbuk ay bigla akong ti-nag sa picture na ito.....


Ang SAMPUNG utos ng Batangueno....

1. Huwag kang pagmumul'an ng babag. (babag-away)

2. Huwag kang mahihiya kung may punto kang 'ala eh'. Dahil likas yan sa isang batangan.

3. Huwag palaging isipin ay barikan. (barik-inom, toma).

4. Huwag kang busong. (busong-walang galang)

5. Huwag kang pilyuhin at palhak. Ikaw ay disiplinado kaya wag kang gagawa ng kabalbalan. (pilyuhin-pilyo, palhak-maharot, kabalbalan-kalokohan)

6. Huwag kang mahihiyang bansagan na "tiga" Tiga-sin, tiga-saing, Tiga-laba, Tiga-alaga ng mga supling. hindi ibig sabihin ika'y under kundi isa kang responsableng padre de pamilya.

7. Huwag kang playboy. Huwag mong paniwalaan ang kasabihang sa asawa'y bayabas at ang sa kabit ay ubas, sapagkat ang Batangenyo'y likas sa pagiging stick to one.

8. Huwag kang tatanggi sa piyestahan. Hindi ibig sabihin ika'y masiba kundi tanda iyan ng pagiging masayahin at palakaibigan.

9. Huwag kang pangkal. (pangkal-tamad). Ang mga Batang ay sadyang masisipag at mahilig mangibang bayan. Kahit saang lugar ka sumuling ay iyong masusumpungan.

at higit sa lahat,

10.Huwag mong kalimutang magdasal. Ang Batangenyo ay likas na madasalin at mapagmahal sa Poong lumikha.