Habang ako'y nakikipaghuntahan sa akig mga kaibigan sa Peysbuk ay bigla akong ti-nag sa picture na ito.....
Ang SAMPUNG utos ng Batangueno....
1. Huwag kang pagmumul'an ng babag. (babag-away)
2. Huwag kang mahihiya kung may punto kang 'ala eh'. Dahil likas yan sa isang batangan.
3. Huwag palaging isipin ay barikan. (barik-inom, toma).
4. Huwag kang busong. (busong-walang galang)
5. Huwag kang pilyuhin at palhak. Ikaw ay disiplinado kaya wag kang gagawa ng kabalbalan. (pilyuhin-pilyo, palhak-maharot, kabalbalan-kalokohan)
6. Huwag kang mahihiyang bansagan na "tiga" Tiga-sin, tiga-saing, Tiga-laba, Tiga-alaga ng mga supling. hindi ibig sabihin ika'y under kundi isa kang responsableng padre de pamilya.
7. Huwag kang playboy. Huwag mong paniwalaan ang kasabihang sa asawa'y bayabas at ang sa kabit ay ubas, sapagkat ang Batangenyo'y likas sa pagiging stick to one.
8. Huwag kang tatanggi sa piyestahan. Hindi ibig sabihin ika'y masiba kundi tanda iyan ng pagiging masayahin at palakaibigan.
9. Huwag kang pangkal. (pangkal-tamad). Ang mga Batang ay sadyang masisipag at mahilig mangibang bayan. Kahit saang lugar ka sumuling ay iyong masusumpungan.
at higit sa lahat,
10.Huwag mong kalimutang magdasal. Ang Batangenyo ay likas na madasalin at mapagmahal sa Poong lumikha.
Hi,I created a group for bloggers .if you want to join,go to group page and ASK TO JOIN .thanks http://www.facebook.com/groups/filblogatw/
ReplyDelete